Nuffnang Ads

Monday, December 30, 2013

Goodbye 2013, Hello 2014!

This year (2013) had been memorable to me. So many joys, melancholy and something worth keeping that happened. Sa taong ito sobrang dami kong naexperience. Naranasan kong sumayamasaktan at umiyakPero siyempre naniniwala ako na everything happens for a reason. And I’m still hoping na sana di na maulit yon. Natuto na ko kaya itetreasure ko na yung mga taong nagmamahal talaga saken.

Pero kung merong lungkot siyempre meron ding saya. Andyan yung pamilya ko na napaka supportive at mahal na mahal ako. This year binded us as one. Lahat kami MAS lalong naging malapit sa isa’t isa. Sa dami ba naman naming gala sa malalayong luagar eh. Haha. Pero totoo pala talaga yung saying na “Sino sino pa nga bang magtutulungan kundi tayo tayo (pamilya) lang din". May mga trials, failures na nangyare pero nalampasan namin yun ng sama sama. Naging healthy din naman kami physically and spiritually. Mas lalo pa kaming naging malapit kay Lord dahil na rin siguro sa pagsama sama namin sa church ng ate ko.

In terms naman sa mga kaibigan ko infairness MAS dumami pa sila. Or should I say sobrang dami na nila? I don’t know lang kung they are true to me or not. But for me, what is important is that, I treated them well whole heartedly and I’ve done my part it’s up to them nalang kung ganun din sila saken. Thankful naman ako kasi sobrang bait nila sakin. Sana lang talaga di sila mang iwan sa ere kundi kukutusan ko sila isa isa. Haha. Just kidddin’.
Yung studies ko this year? So far so good. May ilang di magandang grades pero bumawi naman ako. Alam ko naman kasi sa sarili ko na ginawa ko yung best ko para dun. Sobrang hirap lang talaga ng course ko kaya ganun. Pero this upcoming year (2014) mas, mas, mas, lalo ko pang gagalingan. Newman kase gusto ko maging proud din sila shaken. Grown up na ata ‘to. Naks! Haha. Mag e18 na ko pero may chaperone pa din minsan. I know naman na that is for my own good sake kaya naiintindihan ko. 
May mga lessons din ako na natutunan. Here are some:
- Appreciate the little things. Kahit gano pa man yan kaliit basta matuto kang pahalagahan yun. Kasi you’ll never know kung hanggang kailan to magtatagal o mawawala sayo. At huwag mong hayaan na mawala to sayo dahil sigurado magsisisi ka sa bandang huli dahil nakuha na ‘to ng iba.

- Make time for family. Kung dati di mo sila pinapansin aba! mag isisp isip ka, dahil hindi habang panahon andiysn sila sa tabi mo. Tsaka masaya kaya kapag sama sama kayong pamilya. Lalo na kapag kumpleto. The more the merrier.

- Make new friends. Learn to socialize. Kasi hindi naman tao ang lalapit sa’yo. Gumawa ka ng way para maka cloase mo sila. Panigurado di ka magsisisi. Kasi kapag nangailangan ka sila din yung matatakbuhan mo. Sabi nga, “What friends are for.” Nahihiya lang yang mga yan kaya dapat ikaw na ang mag first move.

- Be Thrifty. Eto ako pinaka sira. Napaka gala ko kasi kaya astos talaga kung gastos. Mahilig kami kumaen at ako sa mga accessories. Pero kailangan na talaga matuto magtipid. Kung di pa naman talaga kailangang bilin, wag muna bilin kalat lang yan sa bahay. Haha.

Basta palagi lang nating tandaan na mahalaga ang bawat oras (Time is gold nga diba?:D) Kidding aside. I just want to share some of my favorite quotations about life:
1. Life is like a riding a roller coaster so many ups and downs. 
2. Life is ride riding a bicycle you have to keep moving. 
3. Life is about taking chances. You’ll get there someday.
Andami ko pang gustong ishare pero tinatamad na ko magtype. Ipad kasi gamit ko at hindi PC kaya medyo nakakangawit. (medyopalusot). Ayun, salamat sa time kung sino ka mang nagbabasa nito. :) Good luck for the upcoming year (2014). God Bless!

Sincerest,
Lovely (Me)